h1

BSIT4Blk2

Nakakatuwang isipin na pagkatapos ng ilang taon na magkakasama tayo dumating yung time na nagkaroon tayo ng bonding at ngayon may samahan na tayo. We’re not srangers anymore. We are friends more than anything else. Ilang taon na rin tayong magkakasama pero ngayon lang talaga na naging familiar na talaga tayo sa isa’t isa. Better late than never nga. Afterall fourth year na tayo sooner or later maghihiwahiwalay na. Mas ok na rin na meron tayong mga memories na babalikan at higit sa lahat mga kaibigang pwedeng abutin saan man tayo makarating.

Sino sino nga ba tayo?

this is me..PAM
this is me..PAM

Since ako naman ang author unahin ko na sarili ko..Ako si Pam. Madami ang tawag sakin Ate Pam. Older naman kasi talaga ako..huhu..ayaw..joke . Di kasi ako nagstart ng first year dito sa ASCOT kaya nadelay ako ng one year. Pero mas gusto ko pag PAM lang tawag sa akin para cool! Young at heart din naman ako. Almost all my college years hindi ako ganun kasociable. Ok na sa akin ang may buddy na isa o dalawa. Nung first year si Badette sparring partner ko kaya lang CE kinuha nya kaya nagkahiwalay na din kami ng landas nung 2nd yr. Nung high school meron akong barkada,mga classmates ko sa Sayans, 16 kami lahat. Nagsimula kami nung 2nd yr kami hanggang ngayon. Bihira na kaming magkita. Kahit sa text or sa net bihira na rin pero hindi ibig sabihin nun na nawala na yung friendship. The bonding we share will never be erased by neither time nor distance. I always enjoy yung mga time na nagkakasama kami kahit sobrang bihira. I am looking forward to spending time with them again. Papalibre ako! hehe..My point is, I am happy dahil ngayong college meron din akong tropa. The more the merrier. I am blessed to have not just one but numerous na mga mare at pare ^^…Meanwhile, pano ko ba describe sarili ko. Kayo na bahalang magsabi basta ako to..this is me..Once a friend, always a friend.

Fast forward na tayo. Punta na tayo ngayong fourth year. Nung pasukan naging mas close kami ni Janice. Pano nga ba nangyari yun? Ah..nung minsan

Janice
JANICE

kaming mga girls nagkakwentuhan pano makakapagpapayat. Beauty conscious dw ba. Tapos nabrought-up tungkol sa exercise. Nabanggit ni Janice nagjojogging daw sya sa kanila. Tapos napagkasunduan namin na bakit hindi kami sabay na magjogging sa beach ng umaga. Pareho rin naman kami na nakatira sa Zabali Yung bago sumikat ang araw para di naman masyadong mainit. At dun na nga nagsimula. Kinabukasan mga 5:30 nagpunta kami sa beach at nagpakafeeling health buff talaga kami. Jogging jogging tapos kwentuhan. Simula non naging close na kami. Sabay din kaming pumapasok para makadiscount kami sa pamasahe.

Si Janice, one of my close friends. Cool na cool yan. Mabait. God fearing at may paninindigan. She asserts kung ano ang sa tingin nya ay tama. Lagot sa kanya mga mapagsamantalang tricycle driver na hindi nagbibigay ng exact na sukli.

Lizel
LIZEL

Actually, mas matagal na silang magkasama ni Liezel bago ako dumating sa eksena. Kaya naging trio kami. Masasabi ko naman kay Liezel tulad ni Janice mabuting tao rin. She’s loyal. I am glad that were friends too. Enjoy siya kasama. kahit sa klase tahimik lang makulit din. At magaling magvolleyball. Ang tangkad kasi nya. Di ko malilimutan yung nagkaroon ng gimik ang klase tapos di na sana ako makakasama pero sinundo pa nya ako talaga sa amin kahit malayo at medyo late na.

Kaming tatlo super close din kay Annie. Si Annie responsible na tao. She makes sure na nagagawa ng maayos ang mga requirements sa school. Like Janice she is assertive too. She’s never afraid to tell her side kahit na sa mga instructor kapag may napapansin syang hindi tama. At hindi lang sya smart, pretty din. Magaling pa magbadminton. Siya ang Ms. Dipaculao ng klase. Annie is an independent person too. She knows what she wants and she works on achieving it. Kung medyo kinukulang na ng positive influence ang life nyo go makijamming lang kay Annie. If papayag si Yorick. Ang love team at for real na buddy nya.

Dati pa naging ka close ko na rin si Yorick not just because we’re classmates but also dahil nagkasama kami nun sa scuaa at nung practicum.I have nothing bad to say about him. Mabait na tao. Di sya napipikon kahit madalas namin asarin. Nonetheless good looking din. Magaling din magbadminton like Annie. May diskarte din sa buhay. May business sya at buti na lang he’s not too profit oriented kaya nakakamura kami kapag may mga project. We all love to see Yorick and Annie together. Best wishes sainyo. Parang kasalan na no!

Annie and Yorick
ANNIE and YORICK
ARON, NICO, EDWIN, JEROME,BOBSTEEL,CHESTER,DARWIN,EJ at ALVIN

We’re all close to Anne too. She’s younger than most of us. Mahinhin. Pinong kumilos. Prim and proper. Admirable din ang kanyang shiny jet black hair. Syempre mabait din sya, a loyal friend at matalino. Ang love team naman nya ay si Pareng Jake.

JAKE and ANN
JAKE and ANN

Si Jake naman cool na cool yan. Magaling din magbasketball katulad ng mga tropa din nyang sina Nico, EJ d dancer at Bobsteel. Si Nico ang classmate naming campus heartthrob. Try mo magsurvey, tanungin mo sa mga girls sa ascot kung sino top crushes nila sa campus at sigurado isa dun si Nico. Siyempre he’s not just the looks mabait din. Lagi nyang kasama si Bobsteel. Ang loko naming kaklase. Pamatay ang mga hirit nyan pero sigurado namang matatawa ka. Tropa din nila si EJ. Ang celebrity sa klase. Dancer. Lahat na yata ng sayawan andun siya. Mapacontest o intermission number man. Go girl! ahem Dude pala. Pagpatuloy mo yan malay natin next time sa tv ka na namin makikitang nagsasayaw. Dati sina Nico, Bobsteel, EJ at Jake lang ang laging magkakasama pero ngayon kumalat na ang lagim. Ay impluwensya pala. Nagmerge na ng bagong tropa courtesy of Darwin d senior. Ngayon lagi na silang makikitang magkakasama. Syempre di pwedeng mawala si bestfriend Alvin na love team ni Flor na buddy nina Aicie at May.

Balik muna tayo kay Darwin. Siya ang ama ng tropa. Ang banker, planner at tiga abono pag kinakapos na ng budget ang grupo. Bilib ako dito kay Darwin. He’ll do everything para sa tropa. Kung tutuusin siya ang nakapagpasimula ng bonding ng klase. He’s someone who wouldn’t mind being laughed at. Sport siya. Salamat sayo Kuya Darwin!

Isa pa sa mga resident comedian ng tropa ay si bestfriend Alvin. Malupit din sense of humor nyan. Nakakatuwa ang mga punchline nya. Madalas ding kasama nila ang notorious na chikboy na si Edwin. Palaging japorms at after the girls. Pero siyempre masayang kasama din. Si Chester din nakakasama ng grupo dahil kaklase namin siya sa ibang subjects. Ang lalaking may nakakatawang tawa. Pag narinig mo ang tawa niya siguradong matatawa ka rin. Siyempre hindi din mawawala ang kuya ng lahat na si Aron. Mabait din yan!

Yung kasabihan na “Big surprises come in small packages” aptly describes Florisa na love team ni Alvin. Okey din yan si Flor, smart. Ang cute nya pag nagbablush sya. She literally turns red. Kaya nga Florisa na ang tawag namin ni Justin dun sa emoticon na nagbablush sa YM. Katrio din ni Flor sina Aicie at May. Silang tatlo ay collectively called “the Dorm girls”. Sina Aicie at May ay masasabing larawan ng huwarang kababaihan. naks naman! They are all kind, responsible and good natured individuals.

AICIE, FLORISA and MAY
AICIE, FLORISA and MAY.
Mula nung sa San Luis na ako nakatira di ko na nakakasabay si Janice. Madalas ko na makasama sina Aimie at Elei. Pati na rin sina Bheng, Jojie at Nikuy. Lahat sila masarap kasama. I have shared a lot of times with Aimie. We were seatmates sa bus nung may tour. I enjoy talking to her because she’s not only smart but also kind and down to earth. She’s an admirable person. She could be vulnerable sometimes but she always rise up and regain her strong self.
Ang bunso ng grupo ng mga boys ay si Shiela. Okey din yang si Shie. Maasahan sa mga lakaran. Di sya nahihiyang magfront pag kailangan namin humarap sa mga instructors. Another thing i like about her is her fashion sense. She’s good at it. She carries herself well too. Kasama din syempre si Jerome. Ang laging sagot sa venue ng gimik

JEROME and SHIELA

JEROME and SHIELA

Meanwhile, Elei is a wonderul person too. She’s someone who is not afraid to show her individuality through her different interests. Bheng, Jojie and Nikuy are similarly good natured persons. Nakakatuwa si Bheng. Effortless ang sense of humor nya. Kahit di na sya mageffort masyado napapasaya na nya kami. Si Jojie din ok yan. Di sya pikon. Kahit tinutukso siya ng mga boys ayos lang. She’s a sport. Ganun din syempre si Nikuy na masarap kakwentuhan. Pag kausap mo sya mafefeel mo na sincere sya.
ELEI and AIMIE
ELEI and AIMIE
JOJIE,BHENG and NIKUI

JOJIE,BHENG and NIKUI

Hindi din makukumpleto ang blk2 kung wala sina Bianca at Riza na mga pretty girls. Riza looks very much like Angel Locsin. Kaya siya si Darna. Kahit bihira namin sila nakakasama syempre mahalaga pa rin sila sa amin.
BIANCA and RIZA

BIANCA and RIZA

Sina Warrion, Bino, Kuya Jek at Justin ang mga members din ng Blk2. Kung wala sila hindi buo ang tropa. May nagsabi nga na may sarili daw silang mundo pero pag sa jamming naman ok sila.
Justin, War, Gilbert, Kervin and Bino
JUSTIN, WAR, GILBERT, KERVIN, BINO
KUYA JEK and JUSTIN

KUYA JEK and JUSTIN

Tayo ang mga characters sa istoryang to. Gawin nating masaya ang bawat araw…. there’s gotta be more for us..^^


One comment

  1. just enjoy life, memories are made and then remember and enjoyed.

    make good memories, enjoy with your friends, classmates and other people.

    i remember one character in a movie once said, “the only thing left behind in your mind and life are the memories you had created”



Leave a Comment