h1

oh well…

February 20, 2009

kunwari may nagbabasa talaga ng blog ko..well..meron naman, 2 sila.. kaya magsusulat parin ako..
magulo ako nitong mga nakaraang araw pero hindi halata kasi pinipilit kong itago pero nahahalata parin dahil sa mga sinusulat ko dito.. kung bakit, kung anong dahilan ayaw kong sabihin, ayaw ko ng pag usapan. basta gagawin ko na lang ang lahat para tuloy pa rin ang buhay. kunwari walang problema, kunwari walang dahilan para magalit ako. kung ipapakita ko ba ang nararamdaman ko may magbabago? kung sasabihim ko kung ano ang gusto kong mangyayari masusunod ba? hindi naman di ba..kaya wala na akong pakialam. tuloy lang…
hindi ko rin alam kung hanggang kailan ganito ang sitwasyon, pero habang ganito pa sige lang…hindi naman hihinto ang mundo para sa akin.
ok sige i will stop talking in puzzles now baka masyado ka nang naiintriga..
friday na naman, ito na ang last friday namin dito sa company. sa 25 kami matatapos. by march makakauwi na ako sa Baler.. can’t wait… masaya dun.. oh well.. lagi namang ganito, pag andun ako gusto ko pumunta dito, pag andito ako gusto ko pumunta dun, ang gulo ko talaga. sa ngayon, di ko magawang basahin yung post ko nung dec. 27, 2008. parang di na sya applicable…

pag balik ko sa baler madami akong gustong gawin, ewan lang kung magagawa ko nga..

a. tumambay sa beach
b. magdisco sa freddie’s saka uminom ng red horse sa bistro
c. makijamming sa mga friends,kasama ko sana sila in doing numbers 1-2. baka sakaling mabago nun ang sitwasyon ko ngayon
d. picnic sa clemente kasama mga pamangkin ko. (namimiss ko na sila, lalo na si cedric. kahit ganun pa lang xa kabata napapasaya nya ako. namimiss ko na yung out of the blue bigla nya akong yayakapin habang nakatalikod ako o kaya magapapakarga)
e. kumain sa bay’s inn, kahit mabagal ang service dun pag minsan feel na feel ko pa rin dun.
f. meet joana, mae, faye at harold. para na rin mga kapatid tingin ko sa kanila.

ah wait..march pa nga pala ako babalik sa baler..
these weekend gusto gawin ang mga nasa ibaba. sana di ako tamarin…

a. ipaayos ung Rolex ay..Timex watch ko..sayang din yun. si manang kasi pati relo nilabhan
b. ipaayos yung isa kong cellphone, di tumutunog kahit di nakasilent..pucha lahat na lang sira
c. bisitahin sila kuya.. at makisakay sa bagong sasakyan.wooh..feelingera
d. bumili ng damit – shopping:the ultimate destresser. hay money..
e. smile as if everything’s alright..goodluck to me

2 comments

  1. “kunwari may nagbabasa talaga ng blog ko..well..meron naman, 2 sila..”

    pangatLo ako…xD


  2. salamat…c:



Leave a Comment