Sink or swim?
Sa ngayon ang buhay ko ay katulad ng picture na yan. Stormy. I’m doing my best not to sink. Sana makaya ko. Sana malapit ng matapos ang lahat ng to. Galing ako sa doktor kanina. Binigyan nya ako ng mga gamot. Sana naman gumaling na ako. Bukas exactly 3 weeks na akong may ubo. Buti na lang di na ako gaanong nilalagnat at sinisipon tulad ng dati. Kung makakapagpahinga lang sana ako ng mabuti gagaling ako agad. Kaya lang di pwede. May malaki pa akong problemang dapat harapin at ayusin. Nakasalalay dito future ko.
Confused na ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin at maramdaman. Dinadaan ko na lang sa pagsulat dito sa blog dahil wala naman ako mapagkwentuhan ng lahat lahat. Di ko pa sinasabi sa family ko na di pa ako pinapayagan mag enroll. Sigurado kakailanganin ko pang magpaliwanag kung bakit naging ganito ang mga nangyayari. To explain myself is the least thing I want to do right now.
I don’t want to put all the blame on myself. Kung victim lang ba ako ng sitwasyon di ko alam. What if lalong gumulo ang mga pangyayari at di talaga ako payagan mag enroll? Pano na ako? Ano ng mangyayari sa akin? Hay..kung kailan last sem na magkakaproblema pa. Masyado na nga akong huli. Napagiiwanan na ako. I would hate to see myself sinking into nothingness.



























